Global death toll sa COVID-19 higit 751,000 na

Sumampa na sa mahigit 751,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 751,560 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 169,131.

Ang India na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming nasawi sa sakit mataposn na maungusan ang death toll ng UK.

Sumampa naman na sa mahigit 104,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll naman sa Mexico ay mahigit na sa 53,200.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 169,131

Mexico – 53,929

India – 47,138

UK – 46,706

Italy – 35,225

France – 30,354

Spain – 28,579

Peru – 21,501

Iran – 18,988

Sumampa naman na sa mahigit 13.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Nasa mahigit 6.3 million pa ang aktibong kaso.

Read more...