Chito napa-wow sa anak ni Pacman: Sobrang astig! Nakakabilib! 

PINABILIB ng anak ni Sen. Manny Pacquiao ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Napanood ng singer-songwriter ang viral video ni Michael Pacquiao kung saan muli nitong ipinakita ang talento sa pagra-rap. Sobrang astig daw ng performance ng binata.

Ang tinutukoy ni Chito ay ang trending ang video ni Michael kung saan kinanta niya ang first single niyang “Hate.”

Kasama ito sa 11-track debut album ni Michael na may titulong “Dreams” na ni-release sa Spotify last month.

Nang napanood ni Chito ang viral video ni Michael ay hindi niya napigilan ang mag-post sa Twitter para ibandera ang paghanga niya sa baguhang singer-rapper.

Tweet ng mister ni Neri Naig, “Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a…nakakabilib.

“Orig nya ba yun? Kung oo, sobrang astig.

“Kung hindi, ok lang…ang galing nya pa rin. [rock on, smiling face with sunglasses emojis],” pahayag pa ni Chito.

Sinagot naman ng isang netizen ang tanong ni Chito kung original ba ang kanta ni Michael.

“Orig nya. ang astig din talaga.” Na  nireplayan ni Chito ng, “Ayus a. Galing!”

Kinanta ng anak ni Pacquiao ang “Hate” nang live sa Wish 107.5 Bus at sa ngayon mahigit 7 million na ang views nito mula nang i-upload sa YouTube nitong Aug. 5 lang.

Read more...