Ngayong taon, napili ang nasabing psycho-thriller film para sa opening ng New York Asian Film Festival na magsisimula sa Aug. 28 hanggang Sept. 12.
Ang tema ng line-up ngayong taon ay women filmmakers at Korean movies.
Inanunsyo ni Janine ang masayang balita sa kanyang Instagram. Lahad niya, “So excited and soo fffffing wish we could actually go to NY for the North American premiere at the NYAFF.
“But, nonetheless congrats to the team! Babae at Baril is available in the Philippines on Cignal Play streaming. I hope you get to see it. So proud to be part of this female-led team.”
Sa “Babae at Baril,” ginampanan ni Janine ang karakter ng isang sales lady na galing sa probinsiya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay matapos makapulot ng baril.
Matatandaang pinarangalan din si Janine bilang Best Actress sa 2019 QCinema Film Festival para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula.
* * *
Sa edad na 25, marami ng negosyong pinapatakbo ang Kapuso star na si David Licauco.
Mayroon siyang franchise ng fast food chain, gym, logistics company, online food delivery service, at ang kasisimula pa lang na health and wellness online one-stop shop, ang As Nature Intended.
“There’s no specific or particular blueprint that you can follow na magsa-succeed agad itong business na ‘to,” sabi ng Kapuso hunk.
Dagdag pa niya, mahalagang bigyan ng oras at pagtuunan ng pansin ang iyong negosyo upang magtagumpay.
“Same naman ‘yan sa kahit saang bagay. I think even in relationships, if you invest your time and effort and your whole self tapos wala naman pala, sasabihin mo pinaasa ka, maba-bad trip ka ‘di ba?
“Ganu’n lang din naman ‘yung business. Kailangan mo lang din talagang magbigay ng oras para alagaan mo siya in the long run,” aniya pa.