Bilang ng Filipino sa abroad na positibo sa COVID-19, nasa 9,800

Nadagdagan pa ng 42 ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 12, umakyat na sa 9,816 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,293 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

12 naman ang bagong gumaling kung kaya 5,802 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 13 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, 721 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,874 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,143 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 784 naman ang kaso sa Americas at 1,015 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...