Ito yung araw na personal na ibinigay ng Kapamilya actress sa alkalde ang relief goods para sa mga taga-Pasig mula sa organization nilang “I Am Hope.”
Inamin ng dalaga na super hiyang-hiya siya kay Mayor Vico nang mag-viral ang litrato nila kasabay ng panunukso na sana’y sila na lang daw ang magkatuluyan sa tunay na buhay.
“As much as possible, I try not to make it about me. Kasi I feel like it’s bigger than me,” chika ni Bea sa usapan nila ng movie and television writer na si G3 San Diego sa Instagram Live.
Ani Bea, personal niyang dinala kina Vico ang ayuda para ma-inspire rin ang mga ordinaryong tao na tumulong sa panahon ng krisis.
“We have a responsibility nowadays to make everyone aware about what’s happening. And so that they could help, too,” aniya.
Pero dahil nga pareho silang single ng mayor, agad silang tinukso ng madlang pipol, “Nakakatuwa ‘yung mga tao. Hiyang-hiya ako kay Mayor.”
Mas lalo pang kinilig ang netizens dahil special mention pa ang nanay ni Vico na si Coney Reyes sa Instagram post niya na gumanap na mommy niya sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding”.
“Kasi I thought it was just funny. Kasi ‘yung time na nandun kami, we were murmuring about it. Even ‘yung taga I AM HOPE. So I thought it would be funny if I post something like that. So hindi ko naman inaasahan na magiging ganu’n,” sey ni Bea.
Hirit pa niya, “Alam mo, after hiyang-hiya ako talaga. Nakakainis pa si Janus (del Prado). ‘Yun ‘yung friend mo na nilalaglag ka. Alam mo ‘yun. Hiyang-hiya talaga ako sobra.”
“Alam mo I have so much respect for him because first-hand nakita ko how his people respect him. And talaga sobrang organized sila du’n. They practice social distancing, may sistema talaga du’n. So mas tumaas ‘yung respeto sa kanya in fact,” lahad pa ng aktres.