Nakapagtala ng labingisang volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.
May naitala ring weak steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 20 meters.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas anumang oras.
MOST READ
LATEST STORIES