Ed Sheeran, magiging tatay na | Bandera

Ed Sheeran, magiging tatay na

Karlos Bautista |August 12,2020
facebook
share this

Ed Sheeran, magiging tatay na

Karlos Bautista - August 12, 2020 - 09:57 AM

https://www.instagram.com/p/Bl-76I0lWXL/

MAGIGING tatay na si Ed Sheeran.

Ibinalita ng  The Sun na nag-uumapaw sa galak ang sikat na singer-songwriter at ang kanyang asawang si Cherry Seaborn sa nalalapit na pagdating ng kanilang unang supling.

Ilang linggo na lamang at manganganak na si Seaborn, 28, na ang pagbubuntis ay di ipinaalam sa publiko ng malihim na mag-asawa.

Sinabi pa ng British tabloid na hindi halos nakikita ang dalawa at madalas ay namamalagi lang sa kanilang bahay sa Suffolk, isang county sa England, habang naka-lockdown.

“Sobrang excited sila, pero nanatili pa rin silang matahimik tungkol dito,” wika ng source ng The Sun.

“Naging perfect excuse nila ang lockdown para di sila mapagkwentuhan, pero palapit na ang panganganak at nagbi-build ang excitement kaya nagsimula na rin silang magkwento sa mga kaibigan at kamag-anak,” ayon pa sa source.

Si Ed Sheeran, 29, at si Seaborn ay magkaibigan noong high school at nagsimula lamang silang mag-date nitong 2015.

Ikinasal sila sa isang pribadong seremonya noong 2018.

https://www.instagram.com/p/BqvTilJBroH/

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending