NAGING totohanan nga ba ang “rivalry” sa pagitan ng dalawang lead actress ng bagong Kapamilya serye na “Ang Sa Iyo Ay Akin”?
Ito ang isa sa mga nilinaw nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria na bibida at magkokontrabida sa nabanggit ng drama series ng ABS-CBN.
Natanong ang dalawang aktres sa ginanap na online presscon para sa “Ang Sa Yo Ay Akin” kung nagkaroon ba ng sapawan o pagalingan sa pagitan nila habang ginagawa ang matitinding eksena nila sa serye.
“Yung sapawan hindi ganu’n, eh. First of all, alam mo dapat kung ang eksenang ito ay highlight nung character. Ikaw dapat ay you are a support there. Pero kami kasi dito, a lot of our scenes, you have to play your role.
“Teamwork kasi kami dito eh. Because kung ang iisipin ko pagpunta dun ay kung paano ako magiging mas magaling sa kanya, eh di hindi kami magiging effective, hindi magiging totoo yung nararamdaman namin sa isa’t isa. Grateful kami (ni Jodi) na kami yung pinagsama kasi walang ganu’n,” sagot ni Iza.
Diin pa niya, “I think it’s competition with myself. To this day I experience that. Not competition from another person. It’s me.
“I’m competing with myself and I always want to be better. Yung parang gusto ko pag-igihan, gusto ko galingan. Kaya nagtatanong ako lagi, ‘How can I be better?’
“I also have to be conscious about that and remind myself that it’s something I need to address. I shouldn’t always ask validation from the outside, I should also know when my work and I am enough.
“I did workshops but I never really studied for the craft and it’s something that I have been longing to do talaga.
“So in terms of competition, it was never a competition with another person. Surprisingly, it’s just me with the pressure and that can happen. It’s me trying to outdo myself,” sabi pa ng COVID survivor.
Mas naging close pa raw sila ni Jodi pati na sa iba pa niyang co-stars like Maricel Soriano.
“Lumalim siya, siguro yun yung term. I appreciate Jodi just as much as she appreciates me now. Mas nakilala ko siya. Noon pa naman eh alam ko na mabuti siyang tao.
“Pero iba kasi pag kasama mo yung tao madalas eh. Katulad pag kasama mo sa isang bahay mas nakikilala mo yung tao, mas puwede ding ma-reveal mo yung tunay.
“Kasi minsan pag taping may filter pa. Iba yung you allow yourself to be more vulnerable kapag mas close ka na dun sa tao.
“So kami parang feeling ko nandu’n na kami sa stage na yun. Nakakatuwa talaga na sabi ko nga, we were handpicked by God including Miss Maria and Sam (Milby) of course. And everybody else who is part of the show.
“Everybody talaga. Kasi ang gaan-gaan ng energy sa set and that’s so important. Talagang nagtuturo siya. And we are so blessed to be at the receiving end of that knowledge and wisdom and technique as well,” lahad ng aktres.