Xian Gaza ibinuking ang modus ng mga sindikato sa socmed ngayong pandemya | Bandera

Xian Gaza ibinuking ang modus ng mga sindikato sa socmed ngayong pandemya

Reggee Bonoan - August 10, 2020 - 05:05 PM

NAGBABALIK na naman sa social media ang convicted scammer na si Xian Gaza, ang lalaking nag-imbita ng coffee date kay Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard.

Na-link din siya noon kay Ella Cruz at siya rin ang gustong magregalo ng bouquet of flowers na nakapaligid sa red Mustang car kay Nadine Lustre, pero dinedma lang siya ng aktres.

This time ay para paliwanagan ang publiko tungkol sa mainit na usaping tungkol sa bentahan ng face shield na nauwi sa scam.

Ayon sa video post ni Xian, “Looking for (brand) face shields 1 million pieces, looking for face shields 3 million pieces, on hand stocks ready na ‘yung buyer ko sure buyer, ready na ‘yung cash, kaliwaan, meet up na kaagad, picture proof of funds.

“Ha ha ha, tapos at the end of the day, wala talagang nagkasaradong deal, bogus ‘yung supplier, ‘yung buyer hindi na nagpakita, nag-away-away pa sa komisyon ng mga middleman o ng mga uma-ahente.

“Tapos wala naman palang buyer talaga, wala naman palang stocks, ha, ha, ha para sa komisyong hangin lang pala, drawing lang pala lahat ng deals na ito.”

Base rin sa report ng San Juan Police na si Police Col. Jaime Santos ay nag-video rin siya na nitong Linggo, at marami silang nakitang nakaparadang sasakyan sa Ortigas Avenue dahil hinihintay daw nila ang supplier na binilhan nila ng face shields na hindi sumipot.

Umabot daw sa P16 million ang naihulog na pera sa bank account ng supplier na hindi na mahanap kung nasaan.

Sa madaling salita, isa itong scam kaya binalaan ng nasabing police officer ang publiko na mag-ingat sa mga nag-aalok sa Facebook dahil hindi raw ito totoo.

At dahil convicted scammer si Xian ay hiningan siya ng opinyon tungkol dito.

“So ang tanong sa akin ngayon, ‘Xian, bilang isang national scammer ng Pilipinas at the same time bilang sindikato boy and somehow cartel boy na rin, ano raw ang explanation ko dito.

“To tell you frankly, ang nangyayaring ito ay paandar lang ng mga sindikato na may hawak sa tunay na stocks upang mag shoot up yung presyo nito bago nila ibenta because of the fabricated demands and supply na nangyari sa mercado, especially sa mundo ng social media.

“Hindi ba kayo nagtataka, everytime na merong product particularly ngayong pandemic medical supplies na craze na talagang nagkakagulo lahat, hindi ba kayo nagtataka na laging merong specific brand and buyer?

“Like for example panahon ng surgical mask, iilan lang ‘yung specific brand na umiikot na kailangan daw nito, milyong pieces blah, blah and nu’ng time na napunta naman sa N95, ang tanging brand lang talaga ay 3M na hinahanap ko talaga na millions of pieces.

“At ngayon okay na ang pricing ng N95 at surgical mask, stable na at ngayon ito naman. Bakit, kasi nga paandar lang ng sindicato and kaya ko alam because I am part of the world and I’m a white collar criminal and alam ko mismo.

“And if there is someone very credible enough na mage-explain ng bagay na ito sa social media e, that’s me because I’m an scammer, alam ko ang mundong ito kasi part ako ng mundong ginagalawan ko,’’ paliwanag ni Xian.

Nabanggit pa na kumokontak ng trolls na mga 15 sellers at 15 suppliers hanggang sa dumami na ang sindikato para paingayin ang isang produkto na in demand ngayon para pag ibinenta na sa mga hospital o government agencies ay triple o higit pa ang presyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana ay may natutunan tayo kay Xian at hintayin na lang nating bumaba ulit ang presyo, tutal naman maraming klase ang face shields.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending