DOJ, hinamon na parusahan ang mga sangkot sa katiwalian sa PhilHealth

Hinahamon ni Senator Christopher “Bong” Go ang Department of Justice (DOJ) na parusahan ang mga opisyal na nasa likod ng korupsyon sa PhilHealth.

Ayon kay Go, dapat na burahin ang sistema ng korupsyon sa pamahalaan.

Malinaw aniya ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang korupsyon.

“Sabi ng Pangulo, ‘di siya titigil na lalabanan ang korapsyon. The next two years, sabi n’ya magwawala po siya. Ibig sabihin ‘magwawala’, gagawin niya ang lahat, sasagasaan n’ya ang dapat sagasaan… gagawin niya ang lahat para sa Pilipino,” pahayag ni Go.

Ayon kay Go, maaari ring makipag-tulungan ang DOJ sa ibang tanggapan para mapadali ang imbestigasyon.

“I am challenging the Executive Department, especially Secretary (Menardo) Guevarra, Secretary (Salvador) Medialdea. Pwede rin po nilang i-tap ang PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) rito kasama rin ‘yan sa order ng Pangulo para tumulong,” pahayag ni Go.

“Tulungan n’yo po ang Pilipino. Totohanin n’yo po. Ikulong n’yo po, lalung lalo na ang mga magnanakaw na nagsasamantala sa pera ng tao. Alam n’yo napakahalaga ng bawat piso sa bawat Pilipino ngayong panahong ito,” pahayag ng Senador.

Matatandaang ilang bilyong piso ang nakurakot umano sa PhilHealth.

Read more...