Miguel secret muna ang lovelife: Yes and no, kayo na po bahala…

 

 

MAGULO ang sagot ng Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

“Yes” at “no” kasi ang isinagot ng binata nang matanong kung may girlfriend na ba siya ngayon matapos mapabalitang may special someone na raw siya.

Mas type ni Miguel na gawin munang pribado ang kanyang personal life sa ngayon para siguro iwas intriga at tsismis.

Sa panayam ng GMA sa aktor, “Secret” ang sagot ni Miguel nang tanungin kung totoong may babaeng nagpapasaya na sa kanya ngayon.

“It’s a yes and it’s a no, kayo na po bahala. Mas gusto ko pong siguro private na lang po ‘yun. Ayoko po magsalita about my private life,” paiwas na tugon pa ni Miguel.

Sa lahat ng fans ng Kapuso actor, abangan ang bago niyang show sa GMA. Nag-script reading na raw sila kamakailan at looking forward na siya sa pagbabalik-trabaho.

* * *

Isang online acting workshop for kids naman ang ilulunsad ng Kapuso actress at celebrity mom na si Gladys Reyes.

Dahil sa numerous requests na nakuha ng aktres mula sa followers niya na mga magulang, nagdesisyon siyang magkaroon ng special workshop na “Ang Arte Mong Bata Ka” na open sa lahat ng batang may edad 6 to 12 years old.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Gladys ang kanyang bagong project habang patuloy na naka-quarantine sa bahay bunsod ng pandemya.

“Mommies and Daddies, maarte ba anak nyo? Due to insistent parents’ demand, we are now accepting participants for #AngArteMongBataKa Online Acting Kiddie Workshop. Open to ages 6 to 12yrs old.”

“If 5yrs old pero bibo at marunong na din sumunod sa instructions, pde na rin. Let’s keep our kids productive in this time of pandemic.

“Learn, have fun and experience acting the unique way in this #NewNormal set up. Follow @sis_janice and msg her for details. #OAworkshop #OnlineActingWorkshop.”

Read more...