“SANA all!”
Yan ang wish ng mga netizens matapos mabalita ang isa na namang ginawang kabayanihan ng singer-actor na si Ronnie Liang.
Bukod sa pagiging frontliner ni Ronnie sa panahon ng pandemya bilang isang army reservist, may iba pa siyang charity works na ginagawa sa sarili niyang paraan.
Tulad na lang ng pagtulong niya sa mga kaawa-awang locally stranded individuals (LSIs) na hanggang ngayon ay hindi pa rin makauwi sa kanilang mga tahanan.
Nabatid na bago pa ibalik sa MECQ ang Metro Manila, nakabisita pa si Ronnie sa mga LSIs na nasa Rizal Stadium and Army Gymnasium.
Dito nga siya nagbigay ng libreng plane tickets sa ilang LSIs.
Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng mensahe si Ronnie sa mga LSIs at inamin nga niyang nakaka-relate siya sa sitwasyon ng mga ito, “I know how it feels to be stranded.
“Back when I was auditioning pa lang sa showbiz in Manila, naubusan ako ng pamasahe and kulang ung pambayad ko sa bus.
“Pinababa ako sa Bulacan so I had to continue walking hanggang makauwi sa amin sa Angeles City, Pampanga.
“I know the feeling na gusto mo na talagang umuwi pero wala kang pamasahe.
“When I saw them, nabasag ang puso ko and it reminded of the day na wala din akong pamasahe.
“Let us unite and help each other against Covid19. Wala pong tutulong sa kapwa Pilipino kundi kapwa Pilipino din.
“As army reservist and concern Filipino, gusto ko talagang makatulong. That’s really my purpose naman talaga kaya rin ako nag-join sa army–to help and serve people.
“Ito nga narinig natin ang balita tungkol sa mga kababayan natin na gustong umuwi sa probinsya kaya nagpaabot tayo ng free plane tickets.”
Aniya pa, “This is the time for us na magtulungan. I know naman na malalampasan nating lahat ito basta may respeto sa isa’t isa.
“But personally, kaming nasa army ay patuloy na tutulong sa mga kababayan natin.
“Seeing our LSIs like that, it breaks my heart. And we have coronavirus pa to face as a nation.
“Doble-dobleng pagsubok kaya doble-doble rin ang ating pagtulong,” pahayag pa ng singer-actor.