K Brosas nganga pa rin ang lovelife: Masyado kasing mataas ang standard ko

 

 

ZERO pa rin hanggang ngayon ang lovelife ng Kapamilya singer-comedienne na si K Brosas.

Matagal-tagal na ring single ang komedyana pero aniya, patuloy siyang umaasa na may isang taong nakalaan pa rin para sa kanya.

Inamin ni K na medyo nahihirapan  siyang makahanap ng dyowa ngayon dahil na rin siguro sa mga naging karanasan niya sa buhay.

Sey ng komedyana, gusto naman daw niyang magkaroon ng boyfriend, “Lagi naman tayong handa, ang problema, waley! Ha-hahaha!”

“Kasi kung may darating naman, bakit ko i-dedeprive ang sarili kong kaligayahan teh, e yung anak ko gumugo-signal!

“Dumating na nga kami sa point na umaasa na ako sa dating app, tapos ini-screen ko tapos parang ‘Pwede na to.’ Ha-hahaha! Pero mali. Dahil sa taglay kong kaartehan,” chika pa ni K sa nakaraang episode ng “I Feel U”.

Hirit pa ng singer, “Masyado kasing mataas ang standard ko. Kasi wala akong choice kasi mayroon akong anak na pinalaki so hindi puwede sa akin ang weak.

“Kailangan ‘yung dadalhin ako, gusto ko naman makarinig ng, ‘shhh manahimik ka nga!’ Ganern!” chika ng komedyana.

Dugtong pa niya, “Ang hirap makahanap ng mas strong sa akin kasi na intimidate usually, most of the time.”

Pero diin ni K Brosas, kahit single pa rin, super happy pa rin siya dahil nandiyan ang nag-iisang anak na si Crystal at mga tunay na kaibigan.

 

Read more...