Apo ni dating Mayor Alfredo Lim, malungkot na namaalam, nagpasalamat

Inquirer 

Salamat.

Ito ang malungkot na pahayag ni Paul Dela Cruz, apo ng yumaong si dating Manila Mayor Alfredo Lim, sa post niya sa Facebook.

“Lolo maraming maraming salamat sa lahat lahat ng bagay na binigay at naitulong mo sa akin para maging maganda at maayos ang buhay ko,” wika ni Dela Cruz.

Pumanaw kaninang hapon si Lim habang ito ay nasa hospital dahil sa COVID-19.

Ipinarating din ni Dela Cruz ang pasasalamat sa mga itinuro at gabay ni Lim sa kaniya bilang lolo.

“Maraming salamat din sa mga pinayo mo sakin lalo pag dalawa lang tayong mag kasama sa kotse na ngayon palang sobrang nami-miss kita at naiisip kita every time na nag da-drive ako.

Para sa kanya, ang mga katangiang hinangaan niya kay Lim ay “bagay na alam ko na kaya ka minahal at nagustuhan din ng maraming tao.”

Mula sa pagiging pulis, si Lim ay humawak ng iba’t ibang matataas na katungkulan sa pamahalaan tulad ng pagiging director ng National Bureau of Investigation, secretary ng Department of the Interior and Local Government, mayor ng Maynila at senador.

“Mahal na mahal kita hindi ko man nasasabi sayo lagi yan pero ikaw ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko na mahal na mahal ko,” ani Dela Cruz.

“Hinding hindi kita makakalimutan buong buhay ko,” wika pa niya.

Nagparating din ng pasasalamat si Dela Cruz sa lahat ng nag-alay ng panalangin, nagmamahal at patuloy na sumusuporta kay Lim.

Read more...