Umabot na sa 42 bilang ng nasugatang Pinoy sa pagsabog sa Beirut, ayon sa DFA

Umabot na sa 42 ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa pagsabog sa Beirut habang dalawa pa ang nawawala, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Hanggang nitong Biyernes, nananatili namang apat ang kumpirmadong nasawi na overseas Filipino workers, ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Patuloy pang inaalam ng Philippine Embassy sa Beirut ang kalagayan ng mga apektadong Pilipino, ayon sa DFA.

Sinabi ng DFA na umarkila n a ito ng eroplanong maghahatid sa mga Pilipino, kabilang na ang labi ng mga nasawi sa trahedya, pabalik ng Pilipinas sa Agosto 16.

May kabuuang  149 katao ang namatay habang mahigit sa  5,000 ang nasugatan sa pagsabog noon Martes na umano’y sanhi ng may 2,750 toneladang ammonium nitrate na nakatambak sa seaport sa Beirut. Ang ammonium nitrate ay kemikal na ginagamit na pataba pero maari rin itong gawing bomba.

Read more...