Walang palya (2)

Sulat mula kay Sweet ng Barangay Poblacion 6, Midsayap, North Cotabato  
1.  Ang problema ko po ay napakahilig ng mister ko sa sex, kahit ayaw ko na ay namimilit siya.  Kapwa kami may trabaho at bago umalis sa umaga ay pinipilit niya ako kahit isang round lang.  Ginagamit niya ako pagdating ng gabi.  Walang palya at araw-araw ay ginagawa namin ang bagay na iyon. Minsan sa sobrang pagod ko, gusto ko na siyang tanggihan pero lagi siyang nagbabanta na mambabae siya kapag tumanggi ako.
2. Kaya, kahit pagod at pata na ang katawan ko sa maghapong trabaho, wala akong magawa kundi ang pagbigyan siya. Sir Greenfield halimbawang tanggihan ko ang mister ko, totohanin kaya niya ang kanyang banta na mambabae siya at hihiwalayan ako? May posibilidad po ba na magkahiwalay kami? October 10, 1978 ang birthday ko at October 23, 1975 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Sweet ng Barangay Poblacion 6, Midsayap, North Cotabato  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible at tugma naman kayo ng mister mong isinilang sa zodiac sign na Scorpio, dahil ang Libra at Scorpio ay magkatabi o magkapit-bahay na zodiac sign. Ibig sabihin, anoman ang mangyari, sa buhay pang-sexual ninyong mag-asawa, hinding-hindi kayo magkakahiwalay.
Numerology:
Ang birtday mo at birth date ng mister mo ay nagsasabing tugma din ang inyong mga numero. Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology compatible kundi ganon din sa Numerology. Ito ay malinaw na patunay na kahit na tanggihan mo ang iyong mister sa sex, dahil nga katuwiran mo ay sobrang pagod ka na at pata na ang katawan mo ay nais pa niyang makipagtalik, wala namang problema, dahil hindi naman niya magagawang iwanan ka. Tulad ng nasabi na, nakatakda na kayong magsama habambuhay.
Graphology:
Ang lagda ng mister mo na may malalaking lower loop o lower zone ang nagsasabing sa sandaling nai-convert ng mister mo sa pagkakaperahan at pagpapayaman ang kanyang sexual energy, ang energy o libido rin ito ang magpapaunlad ng inyong buhay sa aspetong pang-materyal. Kaya kumbinsihin mo siyang magnegosyo, at kapag nagawa ninyong magnegosyo, makikita mo mga apat na taon mula ngayon mayamang-mayaman na kayo.
Huling payo at paalala:
Sweet, ayon sa inyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na sa sandaling ang hilig ng iyong asawa ay nailipat niya sa gawaing pagkakaperahan tulad nga ng pagnenegosyo, na siya ngang dapat na gawin mo, ang kumbinsihin mo siyang magnegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa pagkain, tiyak ang magaganap sa taon 2016 magsisimula na kayong umasenso hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.

Read more...