Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 370 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani alas 2:30 ng hapon ng Biyernes (August 7).
May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES