Ate Vi muling napasayaw sa gitna ng pandemya; alay para sa frontliners

“TO All Our Frontliners…Salute (emoji heart)!” Ito ang caption ni Congresswoman Vima Santos-Recto sa kanyang “dancing video” sa Facebook.

Huwebes ng gabi ipinost ito ni Congw. Vilma at agad itong nag-trending at pinusuan ng napakaraming netizens.

Karamihan sa mga nagkomento ay mga nakatrabaho niya sa programa niyang “Vilma” noon sa GMA na umabot ng siyam na taon (Aug. 8, 1986 – Sept. 29, 1995) o 479 episodes na napapanood tuwing Biyernes ng gabi.

Ang isa sa nabasa naming nagbigay ng komento ay ang choreographer ng “Vilma” na si Maribeth Bichara. Aniya, “Dance pa more (maraming emoji hearts) at susundan ko ‘yan. May Tiktok version na.”

Say naman ni Direk Alco Guerrero na anak ng producer ng show na si Ms. Chit Guerrero, “Congressman Vilma, pa share po at you should really do this more often.”

Ayon naman sa netizen na si Venus Pagsanjan, “Thanks Congresswoman Vi for making your posts shareable, I have a high regard for you.”

Natuwang napanood muli ni Marieta Lucina, “Sarap nman niang pgmasdan! At her age napaka-graceful tlagang magsayaw! I salute and I love her!”

At ang sabi ng fan ni Ate Vi na si Jebe Belandres, “Walamg kupas when it comes to dancing. sexy and graceful pa rin. Idol pa rin kta Ms Vi.”

Oo nga, nakaka-miss ang show na “Vilma” ni Congw. Vi at saksi kami na apaw ang mga nanonood sa Broadway Centrum studio tuwing Biyernes at sangkaterba rin ang entertaimment press na present dahil after the show ay nagpapaunlak ng interview ang ating Star for All Seasons.

Sigurado naman kaming na-appreciate ito ng ating frontliners at health workers dahil pagkalipas ng ilang taon ay muli nilang napanood sumayaw si ate Vi na talagang inialay para sa kanila.

Read more...