Carla: Hindi ako makatayo sobrang sakit ng tuhod ko, lumaki 'yung tiyan ko at ang tigas tigas... | Bandera

Carla: Hindi ako makatayo sobrang sakit ng tuhod ko, lumaki ‘yung tiyan ko at ang tigas tigas…

Ervin Santiago - August 07, 2020 - 09:22 AM

NANG dahil sa biglang paglobo ng timbang ni Carla Abellana, nagkaproblema sa taping ng Kapuso series na “Love Of My Life”.

Inamin ng TV host-actress na hiyang-hiya siya noong mga panahong yun dahil apektado na ang buong production dahil sa kanyang pagtaba.

Aniya, napa-pack up ang kanilang taping dahil problema sa “continuity” ang kanyang itsura. Hindi naman daw kasi pwedeng sa isang eksena ay ang payat niya pagkatapos sa susunod na frame ay bigla siyang lumaki.

Sa interview kay Carla ng Kapuso online show na “Just In”, ikinuwento ng dalaga ang naging health condition niya noon at kung paano niya ito hinarap at napagtagumpayan.

“At the start of Love of My Life, kasi bago naman ako magsimula ng teleserye, nagda-diet na ako tapos nage-exercise na ako para hindi last minute.

“Kumbaga may preparation talaga. Tapos napansin ko noong nagti-taping na for Love of My Life parang bumibigat na ako nang bumibigat,” kuwento niya sa host ng show na si Vaness Del Moral na kasama rin niya sa “LOMY”.

“July tayo nag-start ng Love of My Life, August, September nag-gain ako ng 26 pounds in total sa loob ng four months na ikinataka ko.

“Kasi naka-diet food ako, nagwo-work out ako three times a week. Bakit nadadagdagan nang nadadagdagan ‘yung timbang ko kesa mabawasan or ma-maintain? Hindi siya nag-i-stop.

“Sabi ko baka may problema sa thyroid or sa metabolism. Nagpunta na ako sa endocrinologist, nag-second opinion pa ako. Then the more na ako ay nagpapatingin siyempre nagpapa-laboratory sila kung ano anong check up, tests, ang daming nalaman,” lahad ng aktres.

Patuloy pa niya, “May problem pala ako sa liver, may asthma daw pala ako, so kumbaga the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. Ang hirap kasi nagsabay-sabay.”
Naikuwento rin niya ang pagkakasakit niya sa Japan, “I was clear to travel na tapos may mga medication na ibinigay e hindi ko alam kung bakit pero pagdating sa Japan inatake ako.

“Hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng tuhod ko and then lumaki ‘yung tiyan ko and sumakit nang todo ‘yung tiyan ko na ang tigas tigas.

“Nag-worry na ako I was in so much pain tapos nag-decide kami na ‘yun nga magpatingin na. Nakadalawa ata or tatlo kaming hospitals sa Japan kasi unfortunately yung first two walang marunong mag-English.

“Finally meron kaming friend, Japanese friend na tumulong sa amin. Sa wakas doon sa third hospital siya na ‘yung nakipag-communicate.

“May problem nga daw sa tuhod, dahil ‘yun sa isa medications na tinake ko noon. Napakahirap kasi halos ‘di ko na-enjoy ‘yung trip na ‘yun,” litanya pa ni Carla.

“Pinaka-frustration ko that time ‘yung weight gain talaga kasi kahit anong efforts naggi-gain nang naggi-gain imbes na mag-stop siya,” aniya pa.

Ngayon ay marami na umanong nakapansin na nakabawas na ng timbang si Carla pagkatapos ng kanyang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan.
Unti-unting nabawasan ang kanyang timbang nang mabigyan ng tamang medication, “Hindi sa kung payat ako ngayon, it’s just that ang laki ko lang talaga last year.

“Goal ko is hindi pumayat kung hindi bumalik doon man lang sa normal ko na appearance and weight. Masaya na ako kahit mag-lose ako ng one pound. Napaka-desperate.

“Lahat ng puwedeng gawin siguro liposuction na lang yata hindi. ‘Yun na lang kulang e. Sinunod ko lang naman kung ano ‘yung advice nung doctors. Nag-take ako ng mga medication, may mga nagbago sa diet, nag-increase ng workout, lahat. Na-lose ko rin naman thank goodness ‘yung 26 pounds,” chika ng girlfriend ni Tom Rodriguez.

Dito na inamin ni Carla na naapektuhan din ang kanyang trabaho dahil sa kanyang health problem, “Affected talaga ‘yung trabaho. Nakailang pack up ng taping kasi sandali parang mali na ‘yung continuity kumpara sa naunang weeks na hindi pa ako kasing laki.

“Around December ang laki ko na! Siyempre ako hiyang-hiya ako ginagawa ko naman po lahat,” sabi pa ni Carla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo naman niya sa lahat ng tulad niyang may hypothyroidism, “Sundin n’yo lang advice ng doctor ninyo and careful din kasi baka may mga medication na allergic pala kayo tulad nu’ng nangyari sa akin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending