Kris walang tinanggal na empleyado sa resto; Betong ginupitan ang sarili after 5 buwan

DAHIL balik-MECQ (modified enhanced community quarantine) ang Metro Manila at ilan pang lugar, sarado ulit ang non-essential establishments.

Kaya naman ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya, nag-do-it-yourself o DIY na nang paggupit sa sariling buhok!

Ipinakita niya sa isang vlog kung paano niya sinubukang maging barbero para lang maayos ang humahaba na niyang hair.

“Alam ninyo ba guys, ito na yata ‘yung pinakamatagal na hindi ako nagpagupit. Almost five months,” aniya.

Mukhang okay naman ang DIY haircut ni Betong pero may maganda siguro kung bibisita na lang siya sa barber shop kapag pwede na uling lumabas. Ha-hahaha!

Inalala rin ni Betong ang naging experience sa “Survivor Philippines” ng GMA kung saan itinanghal siya bilang winner dahil 36 days din daw silang walang gupit at ahit sa isla.

Panoorin ang nakatutuwang vlog ng “Bubble Gang” at “All-Out Sundays” star sa kantang YouTube channel na Betong’s Amazing World.

* * *

Isang online grocery mart naman ang naisipang itayo ng Kapuso actress na si Kris Bernal matapos ang ilang buwan na hindi nag-o-operate ang kanyang Korean restaurant.

Ginawa ito ng aktres para patuloy na matulungan ang kanyang mga empleyado at hindi sila mawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Aniya, “Kasi ayaw ko silang pakawalan. Hindi ko kaya nang wala silang trabaho. ‘Yun ‘yung pinaka-concern ko, e gusto ko, lahat sila may trabaho.”

Mas pinili ni Kris na isara ang House of Gogi restaurant niya para pangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga empleyado.

Isa si Kris sa mga celebrity restaurant owner na hindi nagtanggal ng staff during this pandemic dahil talagang nag-isip siya ng paraan para maipagpatuloy ang kanyang mga negosyo.

Read more...