Katrina napraning sa pagbabalik-taping; hotel business ni Mikee ‘nganga’ pa rin

 

 

SA latest episode ng GMA Artist Center online show na “Just In,” nakapanayam ni Paolo Contis si Mikee Cojuangco-Jaworski tungkol sa pagbabago ng kanyang buhay simula ng magkaroon ng community quarantine.

Kuwento ni Mikee, apektado pa rin hanggang ngayon ang kanilang negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.

“Unfortunately, ‘yung mga business namin hindi tumatakbo. Kasi hotel ‘yung main business namin, so siyempre, sarado pa, hindi pa makapagbukas. Pati si Dodot (Jaworski), walang masyadong trabaho rin,” kuwento ni Mikee.

Bukod dito, nagbago rin daw ang takbo ng kanyang trabaho sa International Olympic Committee lalo pa’t ibinalik sa MECQ ang NCR at mga karatig-probinsya.

Noong nakaraang buwan lamang nang mabalitang na-elect si Mikee bilang International Olympic Committee (IOC) Executive Board member sa ginanap na 136th IOC session.

Sinariwa rin nina Paolo at Mikee ang kanilang experience working together bilang hosts ng isang kiddie reality search sa GMA.

“Kasi di ba nagkokontrabida ako, so itong show na ito, very memorable sa akin tapos ikaw pa yung kasama ko.

“Dahil dito naipakita kong pwede akong maging part ng ganitong klaseng show na pambata,” anang Kapuso actor.

* * *

Aminado si Katrina Halili na nanibago siya sa pagbabalik-taping para sa upcoming fresh episode ng “Wish Ko Lang!”

“Nakakapraning kasi first time ko ma-expose ulit. Four months na nasa bahay lang,” say ni Katrina.

“Nakakapanibago rin sa set dahil may safety protocols na ok naman para safe ang lahat,” dagdag pa niya.

Sure kami na na-miss rin nang husto ni Katrina ang pag-arte sa harap ng camera.

Lalo pang naging special ang balik-trabaho niya dahil makakasama niya ang “Prima Donnas” co-star na si Elijah Alejo sa episode ng “Wish Ko Lang!”.

“Na-miss ko si Elijah! Nu’ng taping na kami talaga nagkita, nakakatuwa at nagkaroon kami ng chance na magkasama uli!” share ni Katrina.

Makakasama rin ni Katrina sa episode ng “WKL” si Kim Rodriguez at ang bagong Kapusong si Luis Hontiveros.

Read more...