Hashtag Nikko humirit sa Philhealth: Ayoko na mag-artista, mabagal pera

MATAPANG ang pahayag ni Nikko Natividad ng Hashtags sa kanyang Twitter account.

Nag-react kasi siya sa report na P15 billion umano ang nawala sa Philhealth when a senate investigation was held recently.

Nawindang yata si Nikko sa laki ng perang napunta allegedly sa corruption kaya naman dalawang magkasunod na tweet ang kanyang inilabas recently.

“Gusto ko ipagsigawan sa mundo na napaka corrupt ng bansang sinilangan ko. im so proud promise walang halong joke. Partida epidemya pa yan. Pano kung ordinary day lang.”

“Ayoko na mag artista mabagal pera. mag apply na lang akong opisyales sa philhealth sure maaabot ko lhat ng pangarap ko.”

‘Yan ang magkasunod na tweet ni Nikko.

Maraming followers ni Nikko ang nag-rect. Galit na galit rin sila sa nangyaring corruption sa nasabing ahensiya.

“Sad reality kuya nikko. hindi na natapos ang corruption satin, lahat gusto makaupo at magkapower para magkapera. Tough situation reveals the wrong people talaga. Stay safeand healthy na lang kuya nikko and sa family mo. Mahirap magkasakit sa occupt na bansa,” say ni AprilJanineAriate.

“Masakit pero un ang totoo. Ung akala mo na un ang aangat s bansa pero mas lalo lumubog sa putek, hirap na hirap umahon. Kawawang bansang Pilipinas,” say naman ni Alisha.

* * *

Kung akala ng haters ng ABS-CBN na wala na itong kinabukasan, nagkakamali sila. Hindi pa katapusan ng mundo dahil lang wala na silang prangkisa, may digital pa, at doon na sila ngayon papunta.

“Kapamilya Online Live” was launched last Saturday, Aug. 1 kung saan naka-livestream ang Kapamilya shows mula umaga hanggang gabi, kaya parang hindi rin nawala ang ABS-CBN sa bawat kabahayan.

Nakakabilib ito dahil ngayon pa lang ay naghahanda na sila para sa digital future. For sure habang namamayagpag ang ABS-CBN sa online, maghahabol na naman ang mga kalaban.

Pero dati naman nang nangunguna ang ABS-CBN sa online world. May 24 million likes na ito sa Facebook at ang YouTube channel din nito ang pinakaunang binigyan ng diamond play button sa bansa ngayong may higit 28 milyon subscribers na ito. Inaabangan din ang original content nito sa sariling streaming service nito na iWant na umaabot din ng milyong views.

Muli, pinatutunayan ng ABS-CBN na ito ang master ng industriya. Lahat ng kakumpitensiya ginagaya lang sila. Dos ang unang nag-broadcast ng color TV sa bansa, ito ang unang naghandog ng cable TV, at ito rin ang nanguna sa digital TV sa pagdala nito ng TVplus na nagpalinaw sa panonood ng viewers.

‘Di ko tuloy mapigilang matawa sa trolls at mga anti-ABS dahil patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN kahit “pinatay” na ito ng Kongreso. Kasi naman dapat magbasa-basa sila ng history. Ilang beses nang napasara ang ABS-CBN pero bumangon at lumaban pa rin nang paulit-ulit. Milyon-milyong Pilipino kasi ang sumusuporta rito, kaya nga tumagal ng 65 years ‘di ba? Hindi basta-basta mapapabagsak ang institusyon na naglilingkod ng marangal sa publiko ng ilang dekada.

Simula Sabado, mapapanood ang “Kapamilya Online Live” sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN Entertainment. Naka-schedule dito mula umaga hanggang gabi ang mga bago at lumang palabas mula sa Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Syempre kasama rito ang all-time favorite Kapamilya shows na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “A Soldiers’ Heart,” “Magandang Buhay,” at iba pang teleserye ng ABS-CBN. Latest episodes din ang ipapalabas, kaya updated ka sa mga eksena.

Sa haters ng ABS-CBN, ang masasabi ko lang ay please… mag-isip kayo. Dapat niyong tingnan ang kontribusyon ng ABS-CBN sa lipunan.

Read more...