Nadagdagan nang mahigit 3,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (August 5), umabot na sa 115,980 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 47,587 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,462 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 84 out of 98 licensed laboratories.
Nasa siyam ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,123 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 222 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 66,270 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES