PARA kay Richard Gutierrez, hindi katapusan ng ABS-CBN ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa ng Kongreso sa network.
Ayon sa bagong kontrabida ni Coco Martin sa Kapamilya action series na FPJ’s Ang Probinsyano, naniniwala siya na babangon at tuloy na maghahatid ng saya at serbisyo publiko ang ABS-CBN sa kabila ng mga nangyari.
“Ang realization ko ngayon sa lahat ng ito, I think despite sa lahat ng nangyayari, ABS-CBN nandiyan pa rin. Hindi sumusuko.
“Kumbaga, I think if we look at the positive side of this, which I always like to do, ngayon ang ABS-CBN ay nabigyan ng opportunity to think out-of-the-box, to even grow as a network.
“To grow creatively, to grow business-wise kasi kailangan mag-think tayo out-of-the-box eh, at kung paano natin malalagpasan lahat ng pagsubok na ito,” ang pahayag ni Richard sa virtual presscon ng Dreamscape Entertainment para sa pagpasok niya sa serye ni Coco Martin.
Pahayag pa ng aktor, magtatagumpay ang Kapamilya network sa pagpasok sa online world, “I think now that we’re doing stuff heavily online, I think ABS-CBN will be the pioneers of online content and they’ll be number one online content for sure.
“So, I think itong bagong tinatahak na path ng ABS-CBN, I think it’s a breakthrough and I think it’s going to be the pioneer of this kind of system,” lahad ng asawa ni Sarah Lahbati.
Nangako rin si Richard na patuloy siyang maninindigan para sa network na pinagtatrabahuan niya.
“I appreciate everything the network is doing. They went through a lot the past couple of months and maraming naapektuhan so I just want to stand by with the network and with the people of ABS-CBN,” sey pa ng aktor.
Samantala, sa tanong naman kung ano sa tingin niya ang nagiging kontribusyon ng mga artista sa kinakaharap pa ring pandemya ng bansa, bukod sa pagbibigay ng ayuda at tulong sa mga nangangailangan.
“There’s different avenues for celebrities to help out. Kami personally ni Sarah we did our own little way to help the frontliners, kung ano yung mapo-provide namin sa kanila na tulong.
“We tried to help in our own little way. But at the same time, I’m happy nga dahil tuloy tuloy ang paglabas ng content ng ABS-CBN so they’re coming out with fresh content, hindi lang replays.
“And I think important din yung entertainment for everyone because ang daming problema, ang daming iniisip.
“At least somehow, in some way, us being actors, us being entertainers, makakalimutan ng ibang tao yung problema nila kahit sandaling panahon lang pag napapanuod nila kami,” mahabang pahayag ni Richard.