Kiray super proud sa SB19: Backup dancers lang sila noon, tingnan mo sila ngayon!

 

PROUD na proud ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis sa award-winning P-Pop group na SB19.

Umaani ngayon ng sunud-sunod na tagumpay at kaliwa’t kanang parangal ang grupo makalipas lamang ang isang taon sa music/recording industry.

Kaya naman hindi lang ang kanilang fans at social media followers ang super happy sa tinatamasa nilang tagumpay ngayon, kundi pati na rin ang mga celebrities na nasaksihan ang kanilang pagsisimula at pagpupursigi.

Isa na nga riyan si Kiray na nagbalik-tanaw noong maging backup dancers ang grupo sa isang show kung saan naimbitahan din siyang magpasaya ng audience.

Sa kanyang tweet, pinuri niya ang members ng SB19 na sina Sejun, Josh, Justin, Stell at Ken at nagsabing deserve nila ang natatanggap na success sa local at international scene.

“Kaka proud yung SB19. Backup dancers lang sila noon sa pinag guestingan ko na show. Tignan mo naman sila ngayon.

“Huhusay! Gagaling kumanta. Gagaling sumayaw! LIVE PA!” ang mensahe ni Kiray sa grupo.

Bago sila pormal na ipinakilala sa madlang pipol last year, sumailalim muna sila sa matinding training under a management company na pag-aari ng isang South Korean producer.

At simula nga noon, nagsunud-sunod na ang tagumpay ng SB19. Matapos mapasama sa Billboard charts ang kanilang kanta ilang buwan na ang nakararaan, heto’t humahataw na rin ang kanilang album na “Get In The Zone” under Sony Music Philippines.

Ilang oras pa lang matapos itong i-release ay pumasok agad ito sa Top 100 ng US iTunes Albums chart habang number one rin sila sa Philippine Albums chart bukod pa sa pangunguna nito sa Singapore, Qatar at UAE.

Read more...