St. Luke’s Medical Center puno pa rin ng COVID-19 patients

Punuan pa rin ang COVID wards at COVID ICU ng St. Luke’s Medical Center.

Sa abiso ng ospital, hanggang ngayong araw August 4 ay nasa full capacity na rin ang kanilang Emergency Rooms para sa COVID cases.

Kasabay nito ay muling umapela ang St. Luke’s Medical Center sa publiko na kung mayroong COVID-19 symptoms ay mabuting magpatingin muna sa ibang pagamutan.

Muling maglalabas ng abiso ang ospital sa sandaling maari na muli silang makapag-accommodate ng COVID cases.

Read more...