RESPETO, pagmamahal at mas mataas na kompensasyon ang hiling ni Vice Ganda para sa lahat ng medical frontliners at health workers.
May kapatid na doktor ang TV host-comedian na patuloy na nagsasakripisyo at nagbubuwis ng buhay para labanan ang COVID-19 at mailigtas ang mga tinamaan ng killer virus.
Kaya naman alam ni Vice kung gaano kahirap ang buhay ngayon ng mga health workers at naiintindihan niya kaya humihingi na ng time out ang mga ito para makapagpahinga naman sila at makapag-recharge at mula sa halos limang buwang pagtatrabaho.
Ani Vice, “More love. More appreciation. More respect. Yan ang deserve ng FRONTLINERS ngayon. Bukod sa mas mataas na kompensasyon at benipisyo.
“Maraming salamat sa mga frontliners na nasa medical field!!! Di ko man matanggal ang mga pagod at hirap ninyo mapasalamatan ko man lang kayo.
“Iba ang sakripisyo ninyo. Mula sa puso ko gusto kong sabihing God Bless You at MABUHAY kayo!” ani Vice.
Samantala, nagpahayag din si Gary Valenciano ng malasakit sa lahat ng bayaning health sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.
Mensahe ni Gary, “If some people only knew the true scope and depth of the plight of our beloved medical frontliners… maybe they wouldn’t be too quick to speak.
“And maybe they’d understand at what lengths these courageous men and women take to help keep safe as many fellow Filipinos as they can in the midst of the pandemic we’re all facing. Their voices must be heard and acted upon.
“This isn’t the time to be ignorant of the sacrifices these individuals have made, or to be heartless to the amount of work these people have already done and will continue to do.
“God bless every frontliner… God bless us all,” lahad pa ni Mr. Pure Energy.