TILA hindi makapaniwala si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na siya ang nagwagi bilang Best Host sa nakaraang 18th Gawad Tanglaw.
Siya ang nag-uwi ng tropeo bilang pinakamagaling na host para sa kanyang travel at lifestyle show na Pia’s Postcards na napapanood sa Metro Channel.
Sa kanyang Instagram account, binalikan ng beauty queen-actress ang ilan sa mga hindi malilimutang episode ng travel show, kabilang na riyan ang pagda-drive niya ng tricycle, pagsakay sa kabayo, ang pagkain niya ng giant burger at marami pang iba.
“Yesterday I woke up to amazing news that Pia’s Postcards won best travel show at the 18th Gawad Tanglaw and I got best host.
“Akalain mo yun? Nag iimprove na hosting skills ko guys! Hahaha! I am so grateful At dahil dyan naisip kong gumawa ng collage ng mga naging destinations na namin.. starting off with.. Philippines!” ang bahagi ng caption ni Pia sa ipinost niyang mga litrato sa IG na kuha sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ilan sa mga lugar sa bansa na napuntahan na niya para sa kanyang travel show ay ang Sinulom Falls sa Cagayan De Oro City, Sunflower field sa Lucban, Quezon, Bacolod City, Baguio at Cebu.
Bukod dito, nag-post din siya ng mga most memorable trips niya abroad na aniya’y naging bahagi na rin ng kanyang buhay.
“And to continue our virtual tour of Pia’s Postcards… Here are some of my favorite photos from our international destinations! Ang sarap pala mag throwback noh?
“Whenever I look at these pictures I don’t get sad that we can’t travel like this anymore but instead I’m so full of gratitude that I got to experience all of this,” aniya sa caption.
Ilan sa mga ibinahagi niyang photo ay kuha sa Singapore, Vietnam, Japan, South Korea, Thailand, Hong Kong, New York City at Dubai.
“It’s hard to fit all of these experiences in a collage on instagram, pag kasi nag travel ka you have to experience it with all your senses.
“Through the scenery, the food, the people, the music, everything! For a better throwback experience, you can watch our episodes on YouTube if you type ‘Pia’s Postcards’ or you can watch it on iWantTv. Again thank you for the recognition!” mensahe pa ni Pia.