Kris sure na, hindi tatakbo sa 2022; nag-sorry sa LGBTQ at Catholic Church

 

 

PART 2 ito ng naisulat namin kahapon tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino.

Sa Aug. 15 na magsisimula ang kanyang “Love Life with Kris” sa TV5 at dahil walang mediacon na naganap para sa bago niyang talkshow, sinagot na lang ng TV host-actress ang ilang tanong mula sa entertainment press sa pamamagitan ng isang video mula sa Cornerstone talent management.

Narito ang ilan pa sa mga tanong na game na game na sinagot ni Kris.

“Is your life simpler now?  How do you know who to trust and love?”

“You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, tapos, the rest of you, pagtatawanan n’yo ko?

“Pero the one thing I truly miss ‘yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp!  Tapos, ‘yung simoy ng hangin.

“Tapos, gustung-gusto ko talaga na ano, gusto ko talagang tumira near a lake. And yun nga, sabi ko para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true, dapat may beach resort!

“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Ha-hahaha!  Naloka sila.  Bakit?  ‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin n’yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo?  At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo,” sagot ni Kris.

“Sinong tao o personalidad ang gusto mong maging kahit sa loob ng isang araw? Bakit? At ano ang gagawin mo?”

“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me.  For one day, I want to be President on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan.

“My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church.  Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive.

“I believe that women and men should have equal rights about this.  I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage.  Pero ang divorce, sa sagot kong ‘yan, ha, alam n’yo na!”

And for the nth time ay muling ipinagdiinan ni Kris na wala siyang planong pasukin ang politika sa 2022.

“Hindi ako tatakbo for anything in 2022! Pero, ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit na sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul.  Kasi, puwede naman talaga ang divorce.  And separation naman talaga ‘yan, eh, of church and state,” diin niya.

“Kung mabibigyan ka ng chance na makausap ang mommy mo na si dating Pangulong Cory Aquino, ano ang sasabihin mo sa kanya?  Gayundin sa iyong amang si Sen. Ninoy Aquino?”

“To my dad, thank you for believing that the dream could be possible.  Kasi, siya talaga ‘yung naniwala that their baby could become who she is.

“And to my mom, I’m doing this for you. Because kung merong tao talaga who matters to me, na maging proud sa akin, it’s you!”

“Ano ang pinakamaipagmamalaki mong nagawa mo sa buhay?  Ano naman ang isang bagay na ginawa mo o sinabi mo na pinagsisihan mo?”

“Ang pinaka-proud ako is that, hindi ako umasa lang.  Puwede kong sabihin talaga na, I sent myself through school.   Ang buong college education ko, akong nagbayad no’n.  Yes!

“Kasi, I wanted to prove to my mom na nu’ng pinayagan niya ako, hindi na niya ako kailangang bigyan ng allowance.  At hindi niya ako kailangan na I could be a working student.

“My biggest regret was that I worked on Saturday nights, and I could have actually said no to those days, and join my mom para magsimba kami.

“So, doon ako nagsisisi. Kasi, sana, nabigay ko ‘yun, kahit ‘yun lang, sana, nabigay ko ‘yon sa kanya.

“Sa mga sinabi ko. Impulsive ako, eh.  So, ngayon ako natuto na there are things that are better left unsaid.  And now, I’m learning,” pahayag pa ng mommy nina Joshua at Bimby.

Read more...