Nadagdagan pa ng 84 ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 1, umakyat na sa 9,556 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 71 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,313 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
May kabuuang 5,572 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 671 naman ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Pilipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,770 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,111 confirmed COVID-19 positibong kaso na overseas Filipinos.
Nasa 762 naman ang kaso sa Americas at 913 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.