outbrain

Navotas City, nakapagtala ng 246 bagong kaso ng COVID-19

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer August 01,2020
share this

Navotas City, nakapagtala ng 246 bagong kaso ng COVID-19

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer August 01,2020 - 01:48 PM

Mula sa Facebook page ni Mayor Toby Tiangco

Nadagdagan pa ng 246 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa lungsod sa loob ng isang araw.

Sa huling datos hanggang nitong Biyernes 8:30 ng gabi, umakyat na sa kabuuang 2,144 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,120 ang aktibong kaso.

Umakyat naman sa 928 ang kabuuang bilang ng gumaling sa lungsod habang 96 ang pumanaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending