MAGANDA ang mood ngayong araw ni K Brosas dahil mamayang gabi na ang kanyang “20K20 K Brosas 20th Anniversary Digital Concert” produced by Cornerstone Concerts.
Makakasama niya rito sina Zephanie Dimaranan, ang anak na si Crystal, at marami pang iba.
Nasabi naming maganda ang araw ngayon ng singer-comedienne ay dahil nakatanggap siya ng sagot mula sa employer ng netizen na nam-bash sa kanya mula ulo hanggang paa.
Nag-e-mail sa kanya ang amo ng nasabing netizen at kinondena ang ginawang pambabastos sa nag-iisang Ultimate Entertainer.
Post ni K sa Twitter, “Good morning! Habang nagluluto ng afritada, naka-receive ako ng e-mail na ‘we don’t tolerate that kind of behavior ma’m, we will take necessary action etc.’ Habanaysdey.”
Matatandaang ipinost ng komedyana kamakailan ang ginawa sa kanya ng basher, “Share ko lang, sa fb fan page ko may isang basher na pimagmumura ako.
“Mula puyo hanggang talampakan at OA sa laswa ng message. Di ako sumagot. Naka-public sha w/ complete info. Tinawagan ko ‘yung employer. Compirm. Sabi ko file ako kaso. Naloka! Award! Yun lang. Habanaysdey,” aniya.
“Update lang since sumabog pala yung tweet ko about sa basher sa Facebook na sinumbong ko sa employer. Nag deactivate na sha.
“May naka basa ata na iba na nasa ‘line up’ ko kaya may nag deactivate na din lol. Pero buti na save ko. Hihi. So araw araw isa-isa kayo saken. Tapang nyo eh!” ayon pa sa komedyana.
Simula rin kasi nu’ng nag-Instagram Live ang mag-inang K at Crystal ay dumami na ang kanyang bashers, lalo na nang umamin ang anak na isang lesbian.
Pati ang pagpapalaki niya sa kanyang anak ay kinuwestiyon at pinakialaman ng mga netizens. Vocal din siya sa pagpuna sa mga nangyayari ngayo sa ating bansa.
Sinasagot ni K ang ilan sa mga bashers pero idinadaan niya ito sa biro kaya siguro ‘yung iba ay napipikon dahil sapul na sapul sila.
Tulad ng tweet niyang, “Sobrang triggered sila dito SA joke kong to lol ano pa kaya kung mag #OustTheTurtle ako? Tapos hindi joke? uLOL!
“Magiging flop daw concert ko? Digital?? Ano yan May seats na bilang? Try harder! Shutanginamezzz at ‘wag idamay anak ko gago! Ok, Kalma uli he he,” pahayag ng Kapamilya singer.
Anyway, nagsabi naman si K na titigilan na niya ang pagsagot ng nega sa mga trolls. Aniya, mas gusto pa rin niya ang mga pampa-good vibes para kahit paano’y maibsan ang problema ng mga Pinoy.