Teddy tuloy ang pang-aasar kay PDigong, tanong sa publiko: #NaDturtleKaNaBa?

KALIWA’T kanan man ang pambabatikos sa kanya ng mga DDS, tuloy pa rin ang pang-ookray ni Teddy Corpuz kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos banatan ang Presidente sa matatapang na post niya sa Twitter, may mga bago na namang paandar ang TV host-singer laban kay PDigong.

Pinanindigan na ni Teddy ang pagtawag ng “TheTurtle” at “Dturtle” sa Pangulo kasabay ng kanyang mga pinausong “kasabihan” o mga “hugot” gamit ang hashtag “#Dturtled.”

Nag-trend ito sa Twitter matapos ang ikalimang SONA ni Duterte last Monday kung saan maraming nagsabi na wala namang bago at magandang sinabi ang Presidente para sa sambayanang Filipino.

Isa nga si Teddy sa matatapang na nagpahayag ng kanyang saloobin kontra-SONA kung saan ilang ulit nga niyang ginamit ang hashtag “Dturtle.”

Sa mga bagong tweet ng It’s Showtime host, pinauso naman niya ang hashtag #NaDturtleKaNaBa na patungkol sa mga taong baktima ng pangako na napako o yung mga pinaasa pero nganga naman pala.

“Sabi nung BF or GF mo babalikan ka niya, pero hindi naman pala. #NaDturtleKaNaBa?” isa sa mga hugot tweet ni Teddy.

Sinundan pa ito ng, “Sabi ng pizza store 30 minutes dadating order mo. Money back guaranteed, pero mag iisang oras na wala pa rin. Di pa binalik bayad mo.”

Muli naman niyang binira ang naging pahayag ni Duterte tungkol sa issue ng Pilipinas sa China, partikular na ang pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

“Nangako siyang paninindigan at ipaglalaban ka niya nung nanliligaw pa lang. Mag jetski daw siya papunta sa tatay mo. Pero nung makuha na nya gusto niya sayo bigla siyang naging inutil,” ang punchline ni Teddy.

Nauna nang binasag ni Teddy ang sinabi ni Pangulong Duterte na inaamin nitong inutil siya sa issue ng West Philippine Sea.

“Gets ko kung inutil ka sa isyu na yan. So pakitang tao lang yung sinabi mo nung eleksyon na mag jetski ka pa papuntang China? Para lang iboto ka namin. Kung alam mo na from the start na inutil ka dyan then intentionally from the start of your campaign ginoyo mo na kami,” sabi ng singer-TV host.
“Para saan ba yung SONA? Eh gabi gabi may SONA na off-topic palagi. #WhatFor. ah okay magbabarong at pageant lang pala. Ingats kayo dyan sa Sandigang Bayan, uso covid sabi ng mayor namin.

“Luh lakas nang kulog at ayan nagsisimula nang umulan. Pati kalangitan hindi naniniwala sa mga pinag sasasabi sa #SONA2020,” ang walang katakut-takot na pang-aasar ni Teddy sa Presidente.

Read more...