Kuya Kim humiling ng dasal para sa kaibigang doktor; Bantay Bata apektado sa ABS shutdown

HUMILING ng dasal si Kim Atienza mula sa kanyang social media followers para sa kanyang doktor na nag-positive sa COVID-19.

Idinaan ni Kuya Kim sa Instagram ang kanyang panawagan para kay Dr. Jonas del Rosario ng Philippine General Hospital na siyang nag-opera sa kanya noong ma-stroke siya taong 2010.

“The doctor who sealed that hole was @dokjonas. He did the procedure via a catheter using an Amplatzer occluder, a peso sized metal device he put inside my heart which was new and untested then,” ang caption ng TV host sa litrato nila ng kaibigang cardiologist.

“I was the first human being he performed that procedure on. Doc Jonas and I took that gamble and succeeded by God’s grace. I run Ironman races and marathons with Doc Jonas’ Amplatzer embedded in the middle of my heart.

“Ten years after that groundbreaking medical procedure, Doc Jonas now needs our prayers. He leads the PGH (Philippine General Hospital) frontliners and is infected with COVID-19. I’d like to request all my friends to storm the heavens for his healing.

“We love you doc Jonas, You are healed in JESUS name. We claim it!” sabi pa ni Kuya Kim.

* * *

Nang isara ang ABS-CBN dahil hindi na nabigyan ng bagong prangkisa bukod sa mahigit na 11,000 empleyado nito, ay naisip din namin ang Children’s Village of Bantay Bata 163.

Isa ito sa talagang tinututukan ng program director na si Jing Castaneda-Velasco. Palagi nga siyang nananawagan sa tulong na rin ng entertainment media sa mga gustong tumulong para matugunan ang pangangailangan ng mahigit 100 batang inaalagaan nila.

Malaking epekto rin ang pagpapasara sa ABS-CBN dahil limitado na ang pagkukunan ng budget para sa Children’s Village lalo na ngayong online class na dahil sa pandemya.

Nitong Martes ay nag-post si Ms. Jing na nag-donate ng gadget si Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong para sa mga batang nangangailangan.

Ang caption niya habang hawak ng mga bata ang mga ipinamigay na gadget, “Thank you to Ang Probinsyano partylist Rep. Ronnie Ong for donating electronic tablets to the Children’s Village of Bantay Bata 163. The children badly need these for their studies. Looking forward to working with you for the welfare and protection of children.”

Ang saya ng naramdaman namin nang mabasa namin ang post ni Ms. Jing dahil marami pa ring nagbibigay ng tulong sa Children’s Village Bantay Bata 163 na nasa Norzagaray, Bulacan.

Samantala, kamakailan ay inalok ng ABS-CBN ang gobyerno para gamitin ang transmission network at educational programs para sa pagba­balik-eskuwela ng mga estudyante na hindi pa rin puwedeng magkaroon ng face to face classes habang naghihintay pa ng bakuna para sa COVID-19.

“Ang pangako ng ABS-CBN sa publiko ay ang patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa anumang paraang kaya nito.

“Bilang tugon sa programang pang-edukasyon ng pamahalaan sa panahon ng pandemya, inaalok namin ang paggamit ng aming transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa buong bansa.

“Nais naming tulungan ang gobyerno sa pagpapaaral ng mga estudyante sa buong bansa sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

“Bukod sa aming transmission network, inaalok din namin ang lahat ng educational programs na ginawa namin sa nakaraang 20 taon.

“Bagama’t wala itong inaasahang epekto sa aming negosyo, ang tanging hangarin ng ABS-CBN ay makatulong sa pag-aaral ng ating mga estudyante sa buong bansa,” ayon sa official statement ng ABS-CBN.

Read more...