Bwelta ni Teddy kay Duterte: Death penalty ang sinusulong…may pandemic oh, ser!

WALANG takot na binanatan ng singer-TV host na si Teddy Corpuz ang laman ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapang na nag-post ng sunud-sunod na tweet ang vocalist ng bandang Rocksteddy at “It’s Showtime” host para batikusin ang Presidente.

Hindi kasi nito nagustuhan ang mga pinagsasabi ni PDigong sa kanyang SONA last Monday lalo na ang ulat nito sa bayan pantungkol sa anti-terrorism law, death penalty, the ABS-CBN franchise renewal at pati na ang usapin sa West Philippine Sea.

“Para saan ba yung SONA? Eh gabi gabi may SONA na off-topic palagi. #WhatFor. ah okay magbabarong at pageant lang pala. Ingats kayo dyan sa Sandigang Bayan, uso covid sabi ng mayor namin,” unang hirit ni Teddy.

Sinundan ito ng tila pang-aasar niya sa gobyerno nang bigla umanong bumuhos ang ulan habang ginaganap ang SONA.

“Luh lakas nang kulog at ayan nagsisimula nang umulan. Pati kalangitan hindi naniniwala sa mga pinag sasasabi sa #SONA2020,” sabi ni Teddy.

At kesa raw unahin ang problema ng bansa sa COVID-19 pandemic ay mas binigyan ng pansin ng Pangulo ang pagsusulong sa pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.

“Death penalty for drug related crimes. Eh pano kung Hulihin ka because of anti-terror bill tapos taniman ka nang droga sa bulsa or bahay mo? Edi deads ka na. Jusko alam na namin saan to pupunta susme!

“Death penalty ang sinusulong. May pandemic oh ser! MAY PANDEMIC! Sagip buhay muna para sa pandemya atupagin bago yan. SAGIP BUHAY muna daming apektado puro pag patay lang nasa isip. Nung klase yan!” aniya pa.

Hindi rin pinalampas ng Kapamilya host ang palaging sinasabi ng mga tagapagsalita ng Pangulo na “neutral” ito sa issue ng ABS-CBN franchise renewal.

Binatikos niya ang sinabi ni Duterte sa kanyang SONA na, “Media is a powerful tool in the hands of oligarchs like the Lopezes who use their media outlets to battle with political figures. I am a casualty of the Lopezes during the 2016 elections.”

Ani Teddy, “Ayun deny pa nang deny mga spokes personnel mo and your camp na ‘neutral’ ka sa isyu nang ABSCBN yun pala manggagaling din sa bibig mo. Your SONA just confirmed your true dark intentions. Thanks TheTurtle.”

Read more...