Kaso ng COVID-19 sa buong mundo 16.6 million na

Umakyat na sa mahigit 16.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 16,629,203 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa 4,432,103 na nakapagtala ng mahigit 60,000 bagong kaso sa magdamag.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 23,000 dagdag na kaso habang ang India ay mahigit 46,000 ang bagong kaso sa magdamag.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,443,480
India – 1,482,503
Russia – 818,120
South Africa – 452,529
Mexico – 390,516
Peru – 384,797
Chile – 347,923
Spain – 325,862
UK – 300,111

Patuloy din ang pagtaas ng kaso sa India.

Read more...