Nikki sising-sisi na ibinoto si Duterte: Ano na naman kaya ang sasabihin mo sa SONA, ‘Joke lang?’

 

KAPAMILYA actress Nikki Valdez voted for Rodrigo Duterte in the 2016 presidential elections, a decision she regretted four years later.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Nikki ang isang photo taken in 2016 where she was shown flashing a clenched fist, Duterte’s signature pose.

“Mula nang ako’y naging registered voter, sinigurado kong gamitin ang boto ko para magluklok ng mga pulitikong tingin ko ay makakabuti at gagawa ng mabuti para sa ating bansa,” say ni Nikki sa kanyang caption.

She then rattled of reasons as to why she zeroed in on Duterte among the presidentiables which included Mar Roxas, Miriam Defensor-Santiago, Manny Villar and Jejomar Binay.

“At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko. Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo.

“Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao. Nakita namin ang political will mo. Ni hindi nga namin pinuna ang pagmumura mo. Lagi ko sinasabi sa sarili ko tao ka lang. Nagkakamali,” she explained.

But Valdez felt the president she voted for was a big disappointment. Buong tapang niyang inilahad ang mga hindi niya nagustuhan kay President Duterte.

“Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari? Ultimo ang Santo Papa, minura mo, pinagsalitaan ng kung ano-ano, nawala ang respeto mo sa mga kababaihan kahit may mga anak kang babae, inuna mo ang personal na galit at paghihiganti kaya ganon na lamang ang kawalang bahala mo sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan…”

Hindi dito nagtapos ang kanyang aria dahil marami pa siyang sinabi. She said, “Bakit ‘di mo agad pinasara ang ating bansa sa China kahit alam mo nang sa kanila galing ang sakit na pumapatay sa libo libong tao ngayon?

“Bakit nasa China na ‘ata ang katapatan mo? Bakit inuna mo ang Anti Terror Bill? Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABSCBN at pagkitil sa kabuhayan ng libo-libong empleyado pero nanatili dito ang mga POGO? Ito ba talaga ang mga plano mo para sa Pilipinas? Ano na naman kaya ang sasabihin mo bukas (SONA)? ‘Joke lang?’”

Ang isa pang matapang at palaban ay itong si Rep. Lito Atienza na nagbabala sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag bumigay sa pananakot ng ilang mambabatas sa House of Representatives na ipasara ang SKYcable dahil hindi kailangan ng cable TV companies ng prangkisa.

“Hindi dumadaan sa prangkisa yung cable at SKYcable, NTC yan.  So I’m also warning NTC, huwag kayong padadala sa mga pananakot nitong ilang congressmen,” say  ni Atienza sa isang online public discussion tungkol sa ABS-CBN franchise.

Sinabi ito ni Atienza matapos ibunyag ni Rep. Rodante Marcoleta na dumulog si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba kay Solicitor General Jose Calida tungkol sa pagpapasara ng SKYcable.

Dati nang sinabihan ni Marcoleta si Cordoba na kakasuhan ito kung ipipilit niya ang Executive Order 205 ng dating pangulong Cory Aquino. Ayon sa nasabing order, permit at lisensya lamang mula sa NTC ang kailangan para mag-operate, hindi prangkisa.

Once NTC gives in ay maraming maaapektuhan, hindi lang cable TV operators kundi mga artista, producer, at higit sa lahat, mga manonood.

Kapag ipinasara ang lahat ng cable TV, mawawala rin ang mga channels tulad ng Pinoy Box Office, Cinema One, Myx, ang Tagalized Movie Channel, K Movies Pinoy, at Sari Sari.

Read more...