PINUSUAN at ni-like nang napakaraming netizens ang palitan ng anniversary message nina LJ Reyes at Paolo Contis.
Limang taon nang magkarelasyon ang Kapuso couple at mukhang pang-forever na nga ang kanilang pagsasama base na rin sa sweet message nila para sa isa’t isa.
Sa kanilang respective Instagram accounts ibinandera nina LJ at Paolo ang matinding pagmamahal at pasasalamat sa bawat isa.
Sa ibinahagi niyang litrato nila ni Paolo ito ang kanyang caption, “It’s such a difficult time and all I can say is that there’s no other person I would want to go through this than you!
“It’s honestly, been such a roller coaster ride of emotions for me lately, but thank you for being patient with me.
“Thanks for always being the strength I didn’t know I needed! I wish for more fruitful years with you and the kids! I love you @paolo_contis! Happy 5th! Sa 6th mo nalang ako ulit itry isurprise!” pahayag ni LJ.
Nag-post naman si Paolo sa IG ng limang litrato nila ng aktres bilang simbolo ng kanilang 5th anniversary.
“5 pictures, 5 years… but only 1 YOU!!! Thank you for everything, Mahal..!!
“Hindi alam ng tao kung gaano ako kahirap pakisamahan minsan (or madalas).
“They don’t know the things you have given up for me, they don’t know how strong you are, they don’t know na ikaw ang main ingredient ng bahay na to kaya kaming lahat ay masaya at malakas.
“Marami pa silang hindi alam… pero lahat yan, ay alam ko! And I am so lucky and thankful..!!
“I love you so much, Mahal ko!!” ang madamdaming caption ni Paolo sa kanyang IG post.
Maligayang nagsasama ngayon sina Paolo at LJ kasama ang anak nilang si Summer at si Aki, ang panganay ng aktres sa dati niyang boyfriend na si Paulo Avelino.
May dalawa pang anak si Paolo na nasa pangangalaga naman ng dati niyang asawang si Lian Paz.