Alden may binalikang simbahan sa Antipolo: Sana lahat ng anak tulad niya!

 

PURING-PURI ng mga netizens, lalo na ng mga Katoliko ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Sa kabila kasi ng pagiging busy nito ngayon sa pagbabalik-trabaho pati na sa kanyang mga charity projects, ay hindi pa rin nito nakakalimutan ang mga lugar at taong naging bahagi na ng kanyang buhay.

Makalipas nga ang halos apat na buwang pamamalagi sa bahay dulot ng malawakang lockdown, nabisita na rin uli sa wakas ni Alden ang isang simbahan na matagal na niyang nais puntahan.

Sa isang Facebook post, makikita ang Kapuso Drama Prince sa litrato kasama si Fr. Jeffrey Benitez Quintelansa na kuha sa simbahan ng St. John Vianney Parish sa Antipolo.

“After four months in quarantine, it’s the return of the ‘Prodigal Son’. Alden Richards in the House!” ang nakalagay sa caption ng nasabing Facebook post.

“Si Alden Richards ay saradong katoliko, madasalin at malapit sa Simbahan. Sa tulong ng kanyang spiritual adviser na si Fr. Jeff, lalong nagpapatuloy ang kanyang pananampalataya. Ang sarap lamang tingnan ang isang taong popular, ngunit hindi nagmamataas sa Diyos,” ang nakalagay pang mensahe sa FB post.

 

Bumuhos ang mga positibong comments mula sa netizens nang makita nila ang pagpunta ng binata sa St. John Vianney para manalangin at bisitahin na rin ang grupo ni Fr. Benitez.

 

Anila, isang buhay na patunay si Alden ng isang taong nananatiling maka-Diyos at mapagkumbaba sa kabila ng tinatamasang kasikatan.

 

Hindi pa rin daw ito nakalilimot sa  kanyang obligasyon bilang isang Katoliko. Kaya sana raw ay tularan din si Alden ng mga kapwa niya kabataan.

 

Narito ang ilang comments ng mga FB users sa pagiging relihiyoso ng Pambansang Bae.

“Naku TALAGANG SIYA AY BLESSED at BLESSED DIN ANG SIMBAHAN natin sa pagkakaroon ng katulad mo.”

“Iba talaga ang nasa tunay na Iglesia na itinatag ng ating Panginoong Jesus ang Iglesia katolika. May mga mabubuting ugali.”

“Sana lahat ng anak ay tulad ni Alden para walang problemadong parents. Naway dumami pa ang lahi niya para mas marami pang maging maligayang magulang.”

Read more...