Ruru sa nang-okray sa katawan ni Bianca: Ano’ng problema mo? Bastos!

 

 

BAGONG biktima ng bodyshamers sa social media ang Kapuso actress na si Bianca Umali.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang itsura ngayon ng dalaga base sa mga bagong litratong ipinost nito sa Instagram.

Ilan sa mga negatibong comments na natanggap ni Bianca ay “nalosyang”, “nagmukhang tuyot”, “napabayaan ang sarili” at kung anu-ano pang malilisyosong salita.

Makikita kasi sa isang post ng aktres ang payat niyang mukha na may red lipstick habang sa isa naman niyang beach photo ay tila sumobra rin ang kanyang kapayatan.

Hindi pinatulan ni Bianca ang kanyang bashers ngunit hindi ito pinalampas ng rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid.

“I dont know what’s wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao.

 

“Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag dadown sa atin,” pahayag ng Kapuso hunk actor.

Isang bully din ang sinagot ng binata dahil sa panghaharas nito sa kanyang dyowa, “Anong problema mo? BASTOS!”

Sinisi naman siya ng isang IG user sa itsura ngayon ni Bianca, “Panget mo mag alaga pre ginawa mong kalansay di naman ganyan dati yan.”

Bwelta sa kanya ni Ruru, “Sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din.

“Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maiigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!”

Read more...