Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Davao Oriental, Linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 81 kilometers Southeast ng Manay bandang 11:12 ng umaga.
May lalim ang lindol na 59 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Manay, Davao Oriental
Intensity 2 – Davao City
Naitala naman ang instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Alabel, and Kiamba, Sarangani
Intensity I – General Santos City; Koronadal City, and Tupi, South Cotabato
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar at karatig-bayan.
Ngunit, inaasahang makararanas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES