Vice Ganda Network launch na-cancel: Di kineri ang powers n’yo! Ayun Crash Landing On You ang site!

KINANSELA ni Vice Ganda kagabi ang grand launch ng sarili niyang online network dahil sa technical issues.

Paliwanag ng TV host-comedian, nagkaroon ng problema sa mismong website ng Vice Ganda Network dahil sa dami ng gustong maka-access dito.

Kahit siya raw ay hindi makapasok sa site kaya minabuti na lang nilang i-cancel ang launching kung saan mapapanood na sana ang kauna-unahan niyang online talk show na “Gabing-gabi Na Vice” at isang game show.

Balitang mahigit 100,000 ang nagpa-pre-register sa VGN para mapanood ang mga pasabog ni Vice sa kanyang sariling network.

“Crash is real!!! I’m so sorry,” unang tweet ni Vice patungkol sa nangyaring technical problem.

“Di kineri ng website ang powers nyo! Ayun nagCrash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #TheViceGandaNetworkLaunch,” aniya pa.

Promise naman ng Phenomenal Box-office Star, agad nilang ia-announce sa madlang pipol ang bagong date ng bonggang launching.

Hinayang na hinayang si Vice sa nangyari dahil talagang super excited na siya sa pag-ere ng “Gabing Gabi Na Vice” kung saan magiging guests sana niya sina Angel Locsin at Bea Alonzo.

Handang-handa na rin daw ang Gold Squad ng seryeng “Kadenang Ginto” na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin para sa kanilang game show.

Mensahe pa ni Vice sa madlang pipol, “Sa inyong lahat na nag abang, nagtyaga at sumuporta ngayong gabi Maraming maraming salamat. I am very sorry for the inconvenience.

“Babawi si Meme pramis!!! Love you guys! Love you Madlang people! Love you my Little Ponies!

“Pasensya na talaga!!!! Babawi kami ng extra chugug pramis!!!! Love you guys!

“Sayang pinaghandaan ko pa naman ng pangmalakasang blush on to si Andrea At Francine!!! heheh!!! Super thanks sa Gold Squad ha for ur patience. Bawi si meme next time.

“Super thanks kay Angel at Bea also!!! Pasensya na mga zizzzdt ha! Love u!”

Samantala, kahit hindi natuloy ang launching, binati pa rin ni Angel si Vice sa kanyang Instagram post, “Before I sleep, let me congratulate @praybeytbenjamin for #TheViceGandaNetworkLaunch.

“Hindi kinaya ng internet ang excitement ng tao sayo. Buti pajama ang theme natin at diretso sleep na ako, lol.”

Read more...