Mama Sita: kababayan, ina, kusinera

Sa pagdiriwang ng ika-435 taon ng pagkakatatag sa lalawigan ng Bulacan noong nakaraang Agosto 15, ang Malolos Heritage Society kasama ang Mama Sita Foundation at National Historical Commission of the Philippines ay naglunsad ng isang photo exhibition na pinamagatang “Mama Sita: Kababayan, Ina, Kusinera” sa makasaysayang Casa Real, Paseo del Congreso, Malolos, Bulacan.

Isang tunay na Maloleña at anak ng Bulacan si Mama Sita. “Ang kasaysayan ng lutuin at pagkain ng Pilipinas ay hindi kumpleto kung hindi isasaalang-alang ang papel na kanyang ginampanan bilang kusinera,” ayon kay Dr. Maria Serena I. Diokno, chairman ng National Historical Commission of the Philippines.

Si Teresita “Mama Sita” Reyes ay ang panganay na anak nina Doña Engracia Reyes at Justice Fidel Reyes ng sikat na Aristocrat Restaurant ng Maynila.

Malaki ang naiambag ni Mama Sita sa lutuing Pilipino. Malaki rin ang naitulong niya sa mga Pilipino upang mapadali ang pagluluto, lalung-lalo na sa mga kababayan natin na naninirahan sa ibayong dagat.

Dahil mahirap kumuha ng mga sangkap sa pagluluto ng pagkaing Pilipino doon, natutugunan ni Mama Sita ang kanilang suliranin sa pamamagitan ng kanyang mga panghalong sangkap.

Saan ka naman kaya makakakuha ng sampalok at bayabas na pang-sigang at tamang timpla ng bawang, laurel, suka ta toyo na pang-adobo kung ikaw ay nasa Los Angeles o London, sa Riyadh o Reykjiavik?

Ang mga nangibang-bansang kababayan natin ay patuloy na nakatitikim ng kinagisnang pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na gawa ni Mama Sita.

At dahil dito, naibahagi rin ng ating mga kababayan ang ating pagkain sa mga mamamayan ng kanilang pansamantalang bansang tinirahan nang buong galak at pagmamalaki.

Mayroon din tayong mga kababayan na nagpasiya na doon na lamang sa ibang bansa manatili at doon na rin isinilang ang kanilang mga anak. Dahil sa ayaw ng kanilang mga magulang na malimutan ang kanilang katutubong pagkain, patuloy nilang niluluto ang kinagisnang pagkain dahil ang mga batang Pilipino na lumaki sa ibang bansa ay unti-unti nang lumalabo ang pagkakilala sa kanilang lupang tinubuan at kultura nito.

“Sadyang makabuluhan at makahulugan ang ginampanang papel ni Mama Sita bilang Culinary Icon sa maraming tahanang Pilipino sa ibang bansa,”giit ni Undersecretary Mary Grace Ampil Tirona, tubong Bulacan at Executive Director ng Commission on Filipino Overseas.
Ayon kay Tirona, “Si Mama Sita ay tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino sa ibayong dagat. Ang daloy ng buhay sa ibang bansa ay napakabilis, at dahil walang kasambahay o kamag-anak na tutulong sa pangangasiwa ng tahanan ay kinakailangang kumilos nang mabilis, at dito pumapasok ang kahalagahan ng Mama Sita.”

“Wala na tayong panahon na magtalop ng bawang, sibuyas at luya. Wala na tayong panahong magtanim ng sili o achuete sa ating bakuran—kung mayroon pang naiiwang bakuran!

Wala na tayong panahon magmatamis ng bayabas, santol o manga, at kahit nga magkayod ng niyog!” dagdag ni Tirona.
At dahil ang mga produkto ng Mama Sita ay gawa sa natural, puro at dalisay na sangkap at walang preserbatibo, maaari  itong ipalit at ihalili sa mga sangkap na mahirap angkatin.

Maihahalintulad si Mama Sita sa mga Kababaihan ng Malolos—ang 20 kababaihan mula sa prominenteng pamilya ng Malolos na lumagda at nagpadala ng isang liham kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler noong Disyembre 12, 1888.

Iminungkahi ng mga kababaihan sa Gobernador-Heneral na magbukas ng isang paaralan kung saan ay maaari silang mag-aral ng wikang Kastila at iba pang karunungan.

Kanilang sinuway ang utos at kapangyarihan ng mga Prayleng Agustino at ang pagkilos na ito ay pinuri ng mga repormistang tulad nina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Jose Rizal. Si Rizal mismo ay sumulat ng liham sa mga kababaihan kung saan siyanagbigay-puri sa kanilang adhikain.

Ito ang inspirasyon at sangkap na humubog sa katauhan ni Mama Sita bilang anak ng Bulacan. Isang babaeng malikhain, masigasig, matiyaga.

Isa siyang halimbawa na nagpapatibay ng pagsulong sa kakayahan ng kababaihan. Tunay siyang supling ng mga kababaihan ng Malolos.

Ipinagpapatuloy ng Malolos Heritage Society hindi lamang ang  pagpapaunlad ng kultura, ngunit maging ang adhikain ng mga kababaihan. Pinamumunuan nina Lydia Yupangco, Marides Fernando at Charito Reyes, ito ay ang sibikong sangay ng Malolos Club Elite na ang mga kasapi ay mga supling ng mga prominenteng pamilya ng Malolos.

Kabilang sa kanyang mga dating pinuno sina Lydia Reyes-Yupangco, Lydia Balatbat-Echauz, Zeny Hipolito-Tengco, at Dez Bautista. Marami sa kanyang mga kasaping kababaihan ay kaapu-apuhan ng mga pinagpipitaganang Kababaihan ng Malolos.

Isang masaganang merienda ang inalay ng Mama Sita Foundation matapos ang ribbon cutting. Tampok ang lumpiang ubod, lumpiang Shanghai na gawa sa isda, buchi, suman na may makapuno at empanada na gawa ng mga mag-aaral ng Malolos.

May mga pampalamig din na tulad pinigang katas ng maliliit na dayap at samalamig na gulaman na may arnibal na nakapagpawi sa init at alinsangan.

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera?  I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Resipi ng mga natatanging lutuin ng Bulacan mula sa Mama Sita

Inihaw na pusit
Para sa anim na katao

3 pcs Pusit lumot
½ cup            Mama Sita’s Barbecue Marinade
½ tsp            Mama Sita’s Labuyo Hot Sauce (optional)

1. Wash and clean squid well. Remove ink sac and set aside for future use.
2. In a bowl, combine and mix all the ingredients and marinate the squid for 10 minutes.
3. Grill squid* for about 3 minutes on each side. Baste the squid with the remaining marinade mixed with a small amount of oil. Arrange on a serving platter and serve.
Tip: *Medium doneness is suggested when cooking fresh squid so that it will still be tender to eat.

Ukoy
Makagagawa ng 25 piraso

½ cup            all-purpose flour
½ cup            cornstarch
1 pouch Mama Sita’s Palabok Mix
¾ cup            cold water
2 cups            kamote (sweet potato), cut into thin strips
1 stalk            leek, sliced diagonally
1 ½ cups tagunton or whole small shrimps
½ cup            tokwa (tofu),cut into half-inch cubes
1 cup            cooking oil

Garlic dipping sauce:
½ cup            Mama Sita’s Coconut Nectar Vinegar
1 tbsp            Garlic, chopped
Dash of black pepper
Pinch of salt
To prepare the batter:
1. In a mixing bowl combine all-purpose flour, cornstarch and Mama Sita’s Palabok Mix.
2.  Stir in the water and mix until smooth.
3. Add in the sweet potatoes, leeks, small shrimps and tofu. Mix well.
Form the fritters:
1. In a saucer, form batter mixture into small 3-inch (45 g) patties. Gently slide into pre-heated pan with hot oil and fry until golden brown, about five minutes.
2. Drain excess oil. Serve hot with garlic dipping sauce.
Prepare the sauce:
In a bowl, combine vinegar, garlic, black pepper and salt.

Read more...