Nikki: Kayong mga fans ni Sarah G ‘wag kayong nang-aaway kasi ang idolo n’yo mabuting tao

NAKIPAGTALAKAN nang bonggang-bongga si Nikki Valdez sa mga netizens na nagpakilalang fans daw ni Sarah Geronimo.

Hindi pinalagpas ng Kapamilya actress ang mga bashers na bumatikos at nag-akusang tinitira raw niya si Sarah sa kanyang mga post sa social media.

Ipinagdiinan ni Nikki na never niyang binanggit si Sarah sa naging panawagan niya sa mga kapwa Kapamilya artists na huwag basta manahimik lang sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Wala raw siyang issue sa Popstar Royalty at sa katunayan, maganda ang relasyon niya kay Sarah at sa mister nitong si Matteo Guidicelli kaya huwag daw silang gawan ng issue.

“So alam niyo na pakiramdam ng may ipinaglalaban? Kaming vocal na nagtatanggol ay hindi nag gegeneralize.

“Hingi lang namin na sa panahon na ganito kasakit ang nangyayari sa employees eh magtake naman ng stand ang mga artists na mas may boses,” bahagi ng pahayag ng aktres.

Patuloy pa niya, “And this is not just one particular person. This goes out to everyone who thinks that in one way or another eh natulungan sila ng ABSCBN.

“For the record, I love Sarah and Matteo! Kahit tanungin niyo pa silang dalawa. Lalo na si Matteo. Sa mga fans, tama na ipaglaban sila pero huwag kayong nag aattack basta basta ng ibang artists and staff,” simulang pahayag ni Nikki.

Paliwanag pa niya sa ilang fans ni Sarah, “Because a fan attacked me for no reason. Ni hindi ko binanggit si Sarah G.

“Humihingi ako ng mas marami pang boses sa mga kasamahang artista para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

“When I called you fans out, I was speaking for myself because may umaattack sakin na wala sa lugar! Umayos kayo kasi yung iniidolo niyo mabuting tao,” ani Nikki.

May isang Popster naman ang nagkomento kay Nikki ng, “Huwag niyo pong pagsalitaan ng ganyan kaming mga fans ni Sarah na may ipinaglalaban ding tama.”

Sagot naman sa kanya ng aktres, “Por favor din ano? May fans na umaattack sa akin even before I called you out. Huwag kayo bastos.”

“Kayong mga fans ni Sarah G., huwag kayong nang-aaway. Why are you all too defensive?

“Kung nakikita lang ni Sarah itong mga tweets niyo, sigurado ako malulungkot siya sa mga ginagawa ninyo,” galit na galit pang pahayag ni Nikki.

Read more...