Anak ni Nikki Valdez pinagtripan ng basher: Antay ka lang, sisiguruhin kong makukulong ka!

BINANTAAN ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang mga netizen na walang-awang nambu-bully sa menor de edad niyang anak.

Sisiguruhin daw niyang ipahahanting at ipakukulong ang mga ito sa mga otoridad para maturuan ng leksyon.

Matinding pamba-bash ang ibinabato ngayon sa aktres dahil sa matapang at lantaran niyang pagtatanggol sa ABS-CBN matapos itong ipasara ng Kongreso.

Ayon kay Nikki, okay lang sa kanya na bastusin at laitin ng mga netizens sa social media pero hinding-hindi siya papayag na idamay pati ang inosente niyang anak na si Olivia.

Nag-post ang aktres sa Twitter ng ilang mga masasakit at masasamang mensahe mula sa bashers patungkol sa kanyang anak na may symbrachydactyly. Ito’y isang congenital malformation kung saan hindi na-develop ang mga daliri ng bata habang ipinagbubuntis.

“Ohhhh so pag anak ko ang dinamay niyo gusto niyo ok parin ako??! If only your parents knew what you people are doing! Tao pa ba kayo???” bwelta ng aktres sa mga haters.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Nikki ang screenshots ng mga mapanirang-puring post mula sa isang troll. Aniya sa caption, “So akala mo makakalusot ka ano?! SCREENCAPPED AND SAVED!! Duwag ka pala eh! YOU ARE A PATHETIC PERSON! HUWAG ANG ANAK KO! Lagot ka sa akin.”

Pagpapatuloy pa niya, “I can take all the worst things you can say about me pero pag anak ko ang dinamay ninyo, diyan tayo magkakagulo! Kung sino ka man, buhay mo ba itong nasa Twitter para mandamay ng bata?
“Tumawa ka at mga tulad mong toxic na tao ngayon pero sisiguraduhin kong singilin ka.”

“Antay ka lang kasi papahanap kita at sisiguraduhin kong makukulong ka!” ang warning pa ng aktres sa basher.

Read more...