Aktor walang ginawa kundi mag-workout; hindi na sumikat-sikat

“PAPAMPAM (read: papansin) lang ‘yan, palibhasa walang pumapansin sa kanya.”

Ito ang narinig naming komento ng kilalang celebrity tungkol sa isang aktor na feeling nila ay nagpapapansin ngayon.

Mahilig daw kasi itong magpo-post ng litrato sa kanyang social media accounts kasama ang mga sikat na artista. Para raw itong bawang na laging “kasahog” sa kahit saan.

Reaksyon namin sa aming kausap,  kaibigan din naman kasi ng aktor ang halos lahat ng celebrities.

“Oo, marami siyang kaibigan, mabait naman din, kaso alam mo ba ‘yung lahat sabit siya, parang bawang na laging nakasahog. Alam na alam kung kanino siya sasabit para mapansin?

“Sabagay, wala naman kasing ma-post na litrato ng jowa. Ha-hahaha!  Kaya puro kaibigan na sikat na lang ang ibinabalandra niya,” sabi pa ng aming source.

Binalikan tuloy namin ang social media account ng aktor at sakto nga, nakita namin na wala siyang post kahit isang litrato ng girlfriend niya.

O, baka wala naman kasi talaga siyang GF?  Pero marami siyang larawan na nagwo-work out siya at yung iba nga at kasama pa ang mga sikat na artista.

Wala rin kaming nakitang larawan na kuha sa set o taping ng project niya, wala ba siyang offer talaga?

Ang tagal na niyang artista pero hanggang ngayon hindi pa rin umaangat.

“Tama, naunahan pa siya ng mga bagets. Kita mo nga may BL (Boys Love) series na, sana maski roon mapasama siya para naman may ginagawa at hindi puro workout lang ang pinagkakaabalahan niya,” say pa ng celebrity na kausap namin.

Talaga ba, mag-BL series na lang siya? Parang hindi naman bagay.

Read more...