Hiling ng fans sa GMA at Star Cinema: Alden, Bea pagsamahin sa pelikula, ilaban sa MMFF 2020

NAG-UUMAPAW sa kilig at magic ang pagsasama nina Bea Alonzo at Alden Richards para sa isang project.

Pinusuan ng madlang pipol at sandamakmak na positive comments ang nakuha ng mga litratong ipinost ni Alden sa Instagram kasama si Bea.

Kuha ito sa photo shoot ng dalawa para sa ineendorso nilang shampoo brand. At base nga sa mga komento ng netizens, mukhang hindi imposibleng pagsamahin sila sa isang pelikula.

Ayon sa ilang fans and followers ni Alden na talagang ni-repost pa sa kani-kanilang social media accounts ang mga litrato nila ni Bea, ang lakas ng kanilang chemistry at feel na feel nila ang kakaibang kilig.

May nag-comment pa nga na sana’y maisipan ng Star Cinema at ng GMA Films na pagtambalin agad sina Bea at Alden sa movie na pwedeng ilaban sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Siguro raw na tatabo ito sa takilya at hahakot pa ng awards, kailangan lang daw na gawan ng kakaibang materyal ang dalawa na ikagugulat ng manonood.

Kung matatandaan, ilang beses nang sinabi ni Alden sa kanyang past interviews na isa si Bea sa mga Kapamilya stars na nais niyang makatrabaho.

Ito’y matapos nga niyang makatambal sa record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” si Kathryn Bernardo.

Ani Alden, nasabi na niya ito one time kay Bea nang magkita sila nang personal, “Kasi nag-meet kami before sa airport on our way sa Sinulog festival, last year ata ‘yun.

“Tapos nagkamustahan, kasi the last time we saw each other ay sa party noong stylist namin kasama si Idan (John Lloyd Cruz).

“So ‘yun, sabi ko sana magkaroon ng chance na maka-work ko siya in a movie. We’ll see,” sey pa ni Alden.

Nitong nagdaang Pebrero, nabalita na magkasama sa Thailand ang dalawa para sa isang proyekto pero hindi pala ito pelikula kundi para sa isang TV commercial.

Read more...