BUKOD sa hosting at pagsasayaw, marami pa palang talento ang celebrity twins na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Nai-share ng Kapuso siblings sa mga fans ang ilang trivia tungkol sa kanila sa ginanap na Kapuso Brigade ZOOMustahan recently.
Kuwento ni Cassy, magaling ding mag-drawing ang kanyang twin brother, “Very artistic si Mavy. As in magaling siya mag-drawing ng cartoons. As in very, very good. Nagdo-drawing si Mavy ever since.
“Comics, anime. Magaling siya. Ako naman, I write short stories and poems. So sabi ni Papa Z (Zoren Legaspi), sabi niya sana you guys made a book na ako magsusulat ng story tapos si Mavy magdo-drawing,” ani Cassy.
Hirit naman ni Mavy about his twin sister, “Si Cassy, magaling siya magsulat ng mga poems. Minsan, nagco-compose din siya ng ng kanta. So ‘yan ang secret niya.”
Sa tanong kung sino ang mga idol nila sa showbiz, mabilis nilang binanggit ang kanilang parents na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
“Kaag tinatanong sa akin kung sino ang hero ko or sino ang idol ko, wala akong sinasabing iba kung hindi ang Papa ko.
“So, given a chance, siguro ang Papa ko, kasi yung mga nagawa niya sa past, interesting talaga,” sey ni Mavy.
Ayon naman kay Cassy, aside from Carmina, favorite niya talaga si Julie Anne San Jose, “Besides mom, baka si Julie Anne.
“Kasi she’s my idol dati pa and she was the reason why nag-practice ako ng piano and singing. I’ve been a fan talaga since before.
“Since Studio 7 days pa, nasa-satrstruck ako as in ‘My gosh, si Julie!’ Nakita ko si Julie backstage sa Studio 7, nakaupo lang siya. Tapos ako parang, ‘Naku where will I sit?’
“Sabi ni Julie, ‘Here.’ Sabi ko, ‘Oh my gosh! Magkatabi kami ni Julie Anne San Jose!’ And now, we’re friends. Oh my gosh! Dream come true talaga!” tuwang-tuwang kuwento ng dalagita.