KINASTIGO ni Alessandra de Rossi ang isang netizen na nagsabing naglalakwatsa ang kanyang nanay sa gitna ng banta ng COVID-19.
Ipinagtanggol ni Alex ang kanyang inang si Nenita Schaivone sa basher na nag-comment sa kanyang sratement na ayaw pa rin niyang lumabas ng bahay dahil napapraning siya COVID lalo pa’t pataas pa rin nang pataas ang kaso rito sa Pilipinas.
Nasabi naman ito ng aktres nang may magtanong kung bakit hindi siya nakiki-join sa rally ng mga Kapamilya stars para iprotesta ang pagpapasara sa ABS-CBN.
“May COVID. Maawa ka. At saka hindi ako okay (mentally) ‘pag madaming tao. Birthday nga, ‘di ako umaattend, rally pa?
“Ako pa ba? Kaya nga madami nag-iisip na maldita ako dahil ‘pag tama ako, ‘di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali,” sagot ng dalaga.
Kung matatandaan, bumalik sa Italy ang nanay ni Alex mula sa Canada noong March 23, 2020. Dito siguro humugot ang basher kaya nasabing naglalakwatsa si Mrs. Schaivone.
Resbak sa kanya ni Alessandra, “Wala pang COVID noon at hindi siya naglakwatsa.
“Nag-alaga siya ng kapatid na may sakit sa Canada then pumutok ang COVID at naipit siya doon.
“Wala na ngang makain, maglalakwatsa pa?!
“’Di tayo close. ‘Wag ako, ‘wag nanay ko. Masunurin yan. And ikaw, no respect,” sunud-sunod na post ng aktres.
Hirit pa niya, “I can explain kung totoo kaso assumption with bad judgment na siya. Paano?
“Tapos heal the world? [Baka] heal the brain first.”