20 pang Filipino abroad, positibo sa COVID-19

Nasa 20 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 22, umakyat na sa 9,165 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 69 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,149 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,369 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Umakyat na sa 647 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,605 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,077 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 701 naman ang kaso sa Americas at 782 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...